Tagalog naman ako ngayon...
"Boss, gaano kayo katagal?"
"Mga isa or dalawang oras lang siguro. Bakit? Ano mangyayari kung lampas?"
"Dagdag bayad lang sir."
"Walang problema, yun lang pala eh."
Ganyan ako noon, ganito pa din pala ngayon. Parking space yan sa harap ng McDonald's sa tabi ng institusyong pinag-aralan ako. Hindi, hindi yan sa Don Bosco. Napadpad muli ako sa Intramuros. Nasa tapat ako ng Mapua. Oo, hindi kasi ako naging masaya sa pagaaral ko dun kaya hindi ko siya kinikilalang naging kolehiyo ko.
Pagkatapos kong kumain sa McDo, naalala ko, may mga bilihan nga pala ng yosi sa gilid ng pader. Nandun pa kaya sila? Aba, oo naman.
"Brod, Quarterm pa din ba dito?"
"Oo."
"Dito kasi ako dati, pero nabwiset ako kaya nagtrabaho na lang ako."
"Ano ba course mo dati?"
"Nag-take ako ng ME. Ikaw ba?"
"CoE."
Lakad siya pakanan. Lakad ako pakaliwa.
Mapua, magaling na kolehiyo para sa iba. Sa akin? Ok lang. Pero hindi talaga ako naging masaya. Quarterm. Ang bilis pare. Ang 18 mil ng nanay ko nauubos ng isa't kalahating buwan para walang matutunan. Magtrabaho na lang ako, kikitain ko pa yun. Hindi ko nadama ang parang bahay, masaya at barkadahan ng Don Bosco sa Mapua. Wala, hindi man lang nakalapit.
Hindi ako nag-enjoy sa pagbabalik ko sa lugar na yun. Kung di lang dahil may sinamahan ako sa Intramuros eh hindi ko mararating uli ang lugar na yun.
Kasalungat ng Channel 7 na "This is where you belong..." Ako hindi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment